DOH, nakaantabay sa imbestigasyon ng DA kaugnay sa mga namatay na manok sa Dumaguete

Manila, Philippines – Tumanggi munang magkomento ang Department of Health kaugnay sa pinakahuling ulat na mayroong 15 manok mula sa Dumaguete City ang namatay dahil sa hindi pa malamang dahilan.

Ito ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, ay dahil hindi pa sigurado ang tunay na sanhi ng kamatayan ng mga ito.

Ayon sa kalihim, possible kasi na ibang sakit ng mga manok ang tumama sa mga ito at hindi ang bird flu, kayat mainam na patapusin muna ang imbestigasyon ng Department of Agriculture.


Matatandaan, nitong Miyerkules una nang nagpadala ng mga tauhan ang Bureau of Animal Industry sa poultry farm sa Purok San Lorenzo, barangay Talay, Dumaguete City, kung saan naitala ang 15 manok na namatay, upang masagawa ng imbestigasyon.

Facebook Comments