DOH, nakakakita ng pagtaas ng COVID cases

Naoobserbahan na ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa bansa resulta ng holiday activities.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may mga pagtaas ng kaso lalo na sa mga lugar sa labas ng Metro Manila.

Marami aniyang mga tao ang umuwi sa mga probinsya nitong Pasko at Bagong Taon para doon nila ipagdiwang ang mga okasyon.


Sinabi ni Vergeire na may pagtaas ng kaso sa Cordillera Administration, Cagayan Valley, Bicol Region, Central Visayas, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Bangsamoro Region.

Maliban sa holiday activites, ang pagpapatupad ng minimum health standards ay nabalewala.

Facebook Comments