DOH, nakakita ng pagtaas ng bilang ng non-COVID cases sa mga ospital partikular ang mga sakit na karaniwan tuwing tag-ulan

Malaking hamon sa Department of Health (DOH) ang pagdami ng non-COVID cases sa mga ospital.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, partikular na tumaas ang bilang ng mga sakit na nauuso tuwing tag-ulan.

Nagtaas aniya ang mga kaso ng dengue, leptospirosis, cholera at typhoid fever ngayong taon mula January 1 hanggang August 6 kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.


Batay sa datos ng DOH, tumaas ng 153% o katumbas ng 118,526 ang kaso ng dengue kumpara sa 46,761 noong 2021.

Pumalo naman sa 1,411 ang leptospirosis cases, kung saan tumaas ito ng 22% kumpara sa 1,157 kaso noong nakaraang taon.

Sumampa naman sa 2,650 ang kaso ng cholera na tumaas ng 230% kumpara sa 804 na kaso nooong nakaraang taon.

Habang, nasa 109% ang itinaas ng kaso ng typhoid fever o katumbas ng 7,681 kumpara sa 3,676 noong 2021.

Facebook Comments