Naitala ngayon ng Department of Health (DOH) ang nasa 426 na karagdagang kaso ng Delta variant.
Kabilang ito sa 20,561 na samples na nasuri kung saan 10 ang nadagdag na Alpha variant at 18 ang Beta variant.
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, pinakamaraming naitala ng Delta variant ay mula sa National Capital Region (NCR).
Ang mga samples na nasuri ay mula pa noong buwan ng March, April, September, October at bago ang November 20.
Nasa 1,178 na kanuuang kaso ng Delta variant ay mula naman sa Returning Overseas Filipino (ROF).
Sinabi pa ni Vergeire na tumaas ng 5% ang kaso ng Delta mula noong June hanggang sa buwan ng October pero nananatili naman nasa minimal to low risk ang lahat ng rehiyon.
Dagdag pa ni Vergeire, lahat ng rehiyon gayundin ang mga lungsod at munisipalidad sa NCR ay nakakapagtala na ng kado ng Delta variant.
Lahat naman ng rehiyon sa bansa ay ginagamit na ang Alert Level system upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.
Patuloy na nananawagan ang DOH na mag-doble ingat pa rin kahit na karamihan ng rehiyon sa bansa ay nasa Alert Level 2 dahil hindi pa rin nawawala ang kaso ng COVID-19.