Nakapagtala lamang ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 13 bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.
1,581 naman ang bagong kaso at 50 ang bagong binawian ng buhay.
Ang total COVID-19 cases na ngayon sa bansa ay 514,996 at ang aktibong kaso ay 29,282 o 5.7%.
Ang total recoveries naman ay 475,422 o 92.3% at ang total deaths ay 10,292 o 2.00%.
Nangunguna muli ang Quezon City sa may pinakamaraming bagong kaso sumunod ang Cebu City, Cavite, Davao City at Cebu Province.
Samantala, 49 na mga Pinoy ang bagong tinamaan ng COVID-19 sa abroad.
8 naman ang bagong gumaling at walang naitala ngayong araw ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong Pinoy na namatay sa virus sa ibayong dagat.
Sa ngayon, ang total COVID cases na sa hanay ng Overseas Filipinos ay 13,828.
Ang active cases naman ay 4,055 habang ang total recoveries ay 8,828 at ang total fatalities ay 945.