DOH, nakapagtala lamang ng 2 panibagong gumaling sa COVID-19 ngayong araw, kabuuang kaso pumalo na sa 502,736

Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng higit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Ito ay matapos na umabot sa 2,163 ang panibagong kaso ng COVID-19 kung kaya’t sumampa na ngayon sa 502,736 ang kabuuang kaso sa bansa.

Kaugnay nito, 2 na pasyente lamang ang panibagong nadagdag sa mga gumaling sa virus dahilan upang umakyat na sa 465,988 ang bilang ng mga nakarekober na sa sakit.


Habang 14 ang nadagdag sa mga nasawi kung kaya’t umabot na ngayon sa 9,909 ang mga indibidwal na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Samantala, inihayag naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie na sa labas ng National Capital Region sila ngayon nakakapagtala ng mataas na kaso.

Mas marami na rin aniya ang nadaragdag sa mga bagong kaso ngayon kumpara noong Disyembre ng nakaraang taon.

Paglilinaw naman ni Vergeire, ilan sa dahilan kung kaya’t mas mababa ang kaso noong Disyembre ay dahil ilang laboratoryo ang hindi nakapag-operate dahil sa holiday season.

Facebook Comments