Nakapagtala lamang ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng 890 na bagong kaso ng COVID-19.
1,710 na gumaling at 200 ang bagong binawian ng buhay.
Sa ngayon, umaabot na sa 2,828,660 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang aktibong kaso naman ay 0.6% na lamang o 17,864.
Ang kabuuang bilang naman ng recoveries ay 2,763,114 habang ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay ay 47,682.
Ayon sa DOH, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 22, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 1.8% sa kabuuang samples na nasuri at 1.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.