104 lamang ang naitala ng Department of Health (DOH) na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.
Ang total recoveries na sa bansa ay 438,780 o 93.2%.
766 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na ay 470,650.
Ang aktibong kaso naman ay 22, 746 o 4.8%.
15 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 9,124 o 1.94%.
Pinakamaraming kaso ay naitala mula sa Davao City, Quezon City, Benguet, Laguna at Rizal.
Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 34 na mga Pilipinong bagong gumaling sa COVID-19 sa abroad.
Ang total recoveries na ngayon ay 8,376 habang ang 19 naman ang bagong kaso.
Ang total cases naman ay 12,847 at ang aktibong kaso ay 3,560.
Wala naman Pinoy na panibagong namatay sa COVID sa ibayong dagat kaya ang total deaths ay nananatili sa 911.