DOH, nakapagtala lamang ng mahigit isang libong bagong COVID cases sa bansa; Pinoy na nakakarecover sa abroad sa virus, patuloy na tumataas

Nakapagtala lamang ang Department of Health ng 1,383 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon, umaabot na ang total COVID cases sa 238,727.

Sa nasabing bilang, 49,931 ang active cases.


230 naman ang bagong nakarecover kaya ang total recoveries ngayon ay 184,906.

15 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 3,890.

Iniulat din ng DOH na mahigit 2.6 million na ang mga indibidwal na kanilang naisailalim sa COVID test.

Samantala, patuloy na tumataas ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na gumagaling sa COVID-19.

42 ang mga Pinoy sa ibayong dagat na panibagong gumaling sa nasabing sakit.

Bunga nito, ang total recoveries na ay 6,323.

12 naman ang bagong kaso kaya ang total cases ngayon ay 10,129 kung saan ang active cases dito ay 3,043.

5 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 763.

Facebook Comments