DOH, nakapagtala lamang ng maliit na bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19; DFA, walang naitalang Pinoy sa abroad na panibagong binawian ng buhay dahil sa virus

Nakapatala ang Department of Health (DOH) ng 12 lamang na mga binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Ang total deaths na ngayon ay 8,185 o 1.94%.

1,118 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 421,722.


Ang active cases naman ay 26,745 o 6.3%.

Habang ang bagong gumaling ay 196 kaya ang total recoveries na ay 386,792 o 91.7%.

Samantala, sa muling pagkakataon, walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong Pinoy sa abroad na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 834.

9 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 7,487.

7 naman ang bagong kaso kaya ang total cases sa hanay ng overseas Filipinos ay 11,567.

Ang active cases ay 3,246.

Facebook Comments