DOH, nakapagtala muli ng mababang bilang ng mga bagong namatay sa bansa sa COVID-19; DFA, muling nakapagtala ng mataas na bagong kaso ng virus sa mga Pinoy sa abroad

17 lamang ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na bilang ng mga bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Sa ngayon ang total deaths na ay 8,850 o 1.95%.

1,470 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na sa bansa ay 454,447.


Ang aktibong kaso naman ay 25,695 o 5.7%.

633 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 419,902 o 92.4%.

Nangunguna naman ang Quezon City sa may pinakamaraming bagong kaso sumunod ang Rizal, Makati, Davao City at Quezon Province.

Samantala, muling nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mataas na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pilipino sa abroad.

Umaabot na ngayon ang total cases sa 12,577 matapos madagdagan ng 47 new cases.

Ang active cases naman ay 3,602.

42 naman na overseas Filipino ang bagong gumaling sa virus sa abroad kaya ang total recoveries na ay 8,113.

Wala naman Pinoy na bagong namatay sa COVID sa abroad kaya ang total deaths ay nananatili sa 862.

Facebook Comments