DOH, nakapagtala na agad ng 2 kaso ng Firecracker related injuries

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng dalawang kaso ng firework related injuries lang Linggo bago matapos ang taong 2019.

Natukoy ng DOH ang unang kaso mula sa isang apat na taong gulang na batang babae sa Cagayan Valley at isang 23-anyos na lalaki sa Metro Manila.

Ang batang babae ay idinala sa Southern Isabela Medical Center matapos malapnos ang bala dahil sa kwitis.


Idinala naman ang lalaking biktima sa Philippine General Hospital.

Ayon sa DOH, ang dalawang biktima ay passive o non-firecracker users.

Matatandaang target ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) ang zero-firecracker related injuries ngayong holiday season.

Facebook Comments