DOH, nakapagtala na lamang ng mahigit 1,000 na bagong COVID cases sa nakalipas na linggo

Mula Pebrero 6 hanggang 12, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,101 na lamang na bagong kaso ng COVID-19.

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay nasa 157 na lamang.

Ito ay mas mataas ng 9 percent kumpara sa mga kaso noong Enero 30 hanggang Pebrero 5.


Sa mga bagong kaso, dalawa lamang ang nasa malubha at kritikal na kalagayan.

98 na COVID patients ang binawian ng buhay sa nakalipas na linggo.

Facebook Comments