DOH, nakapagtala na naman ng halos 5,000 bagong COVID cases sa bansa

53

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,836 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, umaabot na ngayon ang total cases sa bansa sa 169,213.


53,665 dito ang active cases at 91.5% ang mild cases.

182 naman ang panibagong naka-recover kaya ang total recoveries ngayon ay 112,861.

7 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay 2,687.

Samantala, walang panibagong Pilipinong binawian ngayon ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.




Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 726.

Kinumpirma naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 25 na mga Pinoy sa abroad ang panibagong na-infect ng virus habang 16 ang bagong recoveries.

Umaabot na ngayon sa 9,933 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy mula sa 72 na mga bansa ang tinamaan ng nasabing sakit.

Umaabot naman ang total recoveries sa 5,860 habang ang active cases ay 3,347.

Facebook Comments