Limang araw bago ang pagsalubong ng Bagong Taon, nakapatala ang Department of Health (DOH) ng 19 na fireworks-related injuries (FWRI).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas mataas ito ng 58 porsyento kumpara sa naitala noong 2020.
Pero mas mababa naman ng 67 porsyento kumpara sa 5-year average sa kaparehong panahon.
Paliwanag ni Vergeire, 37 porsyento sa mga naitalang FWRI ay sa Region 6.
Nasa 16 o 84 porsyento ng mga kaso ay tinamaan ng mga ilegal na paputok habang tatlo o 16 porsyento ay dahil sa legal fireworks.
Anim na kaso naman ay dahil sa boga habang tatlo ay dahil sa Piccolo.
Nilinaw naman ni Vergeire na walang naitalang fireworks ingestion at stray bullet injury o nasawi.
Facebook Comments