DOH, nakapagtala ng 10 fireworks-related injuries

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 10 kaso ng fireworks-related injuries sa buong bansa mula nitong December 21.

Ayon sa DOH, anim sa mga kaso ay nagtamo ng blast at burn injuries na hindi kailangan ng amputation habang ang apat na iba pa ay nagtamo ng eye injuries.

Siyam sa mga kaso ay nakauwi agad matapos magamot habang isa sa mga ito ay naospital.


Karamihan sa mga kaso ay mga lalaking may edad 10 hanggang 43.

Dalawang kaso ay naitala mula Bicol region at Metro Manila at tig-isang kaso mula sa Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, Central Visayas, Davao Region, at SOCCSKSARGEN.

Nabiktima ang mga ito ng five star, baby rocket, boga, bong-bong, fountain, rebentador, at whistle.

Sa ngayon, wala pang naitala ang kagawaran ng kaso ng firework ingestion o paglunok ng paputok o stray bullet o ligaw na bala.

Facebook Comments