DOH, nakapagtala ng 15 karagdagang bagong kaso ng nasugatan noong Bagong Taon

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 15 karagdagang kaso na nasugatan sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa nasabing bilang, 11 dito ay fireworks related injuries habang 4 ang dahil sa tinamaan ng ligaw na bala.

Sa datos pa ng DOH, ang isang 44-anyos na lalaki na nauna nang naitala na nasugatan dahil sa paputok mula sa Ilocos Region ay nasawi na rin kung kaya’t dalawa na ang kumpirmadong nasawi.


Ang 11 bagong kaso ng nasugatan sa paputok ay mula 4 hanggang 72 taong gulang kung saan walo sa sampung kaso ay mga lalaki.

Karamihan ng mga kaso ay dahil sa iligal na paputok habang ang mga sugatan bunsod ng ligaw na bala ay naitala sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (CALABARZON) na may isang kaso, dalawa sa Ilocos Region at isa sa Northern Mindanao.

Kaugnay nito, umaabot na sa 600 ang naitala ng DOH na kaso kung saan 592 dahil sa paputok, 1 dahil sa paglunok ng Watusi at 7 ang sugatan dahil sa tama ng ligaw na bala.

Facebook Comments