DOH, nakapagtala ng 153 firecracker-related injuries sa pagsalubong ng 2022

Nakapagtala ang Department of Health ng 153 kaso ng firecracker-related injuries sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon sa DOH, mas mataas ng 32 percent ang bilang na ito kumpara sa 116 na naitala noong 2020.

Sa bilang ng mga naputukan, 60 ang nagmula sa Metro Manila, tig-22 sa Ilocos Region at Western Visayas, 12 sa Central Luzon, tig-anim sa Bicol Region, Central Visayas at BARMM.


Tig lima naman sa Cagayan Valley at CALABARZON, apat sa SOCCSKSARGEN, tatlo sa CAR at tig-isa sa Zamboanga Peninsula at Davao Region.

Samantala, nangunguna sa mga paputok na sanhi ng mga sugatan ang kwitis, boga, lucis, triangle at iba pang mga firecrackers na walang pangalan.

Facebook Comments