DOH, nakapagtala ng 1,541 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong bisperas ng Bagong Taon ng 1,541 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon, umaabot na sa 474,064 ang kaso ng COVID sa bansa.

25,024 o 5.3% naman ang aktibong kaso.


296 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 439,796 o 92.8%.

14 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na sa bansa ay 9,244 o 1.95%.

Ang Quezon City pa rin ang may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sumunod ang Baguio City, Manila, Rizal at Davao City.

Facebook Comments