DOH, nakapagtala ng 16.4% na COVID-19 positivity rate sa Metro Manila

Umabot sa 16.4% ang naitala ng Department of Health na pagtaas sa lingguhang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.

Mas mataas ito ng isang puntos kumpara sa naitalang datos ng OCTA Research Group na 15.3% positivity rate sa National Capital Region sa parehong panahon.

Habang tatlong puntos naman ang itinaas nito kumpara sa 13.2 percent positivity rate na naitala ng DOH nitong nakaraang linggo.


Samanatala, kinumpirma rin ng DOH na 11 mula sa 17 mga lungsod sa NCR ay itinaas na sa moderate-case risk classificaiton.

Anim din sa NCR cities and municipality ang tumaas ang ward accommodation sa mga ospital.

Sa kabila nito, nananatili pa rin na mababa sa 40% ang hospitalization.

Facebook Comments