DOH, nakapagtala ng 1,623 na panibagong kaso ngayong araw

46

Nakapagtala ng 1,623 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mas mataas ito kumpara sa 889 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 2, 841, 260 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 11, 772 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 256 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,778,115 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 51, 373 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 133 ngayong araw.

Dalawang laboratoryo ang hindi operational noong December 28 at tatlong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments