DOH, nakapagtala ng 167 na bagong kaso ng 3 Omicron subvariants

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 140 bagong kaso ng BA.5 subvariants ng Omicron.

99 dito ay mula sa Region 6, 21 mula sa National Capital Region (NCR), 7 mula sa Region 4A, 5 mula sa Region 1.

Habang tig-iisang kaso mula sa Regions 3,5,7,8,10,4B at Caraga Administrative Region (CAR).


Isa ring returning Pinoy ang kasama sa bagong kaso ng BA.5.

20 namang bagong kaso ng BA.2.12.1 ang naitala ng DOH kung saan 5 dito ay mula NCR, 4 mula sa Region 6 at 4 din mula sa Region 4A.

Habang 1 mula sa Region 1 at 4 ang returning overseas Filipinos.

7 ring bagong kaso ng BA.4 ang naitala kung saan 6 rito ay taga-Region 5 at 1 ang mula sa NCR.

Karamihan sa mga bagong kaso ay mild at asymptomatic habang marami sa kanila ay gumaling na.

Facebook Comments