DOH, nakapagtala ng 2,378 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon

Umakyat sa 30,056 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,378 ng bagong kaso kahapon.

Dahil dito, lumobo na sa 3,932,155 ang tinamaan ng virus sa bansa kung saan 3,839,639 ang gumaling na.

Nadagdagan pa ng 35 panibagong nasawi bunsod ng COVID-19 dahilan para umakyat sa 62,730 ang nationwide death toll sa virus.


Samantala, nilinaw naman ng World Health Organization (WHO) na hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic.

Paliwanag ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, bagama’t nakikita na ang katapusan nito ay hindi ibig sabihin na dapat maging kampante na ang publiko sa paglaban sa virus.

Giit nito, nakakapagtala pa rin ang WHO ng 10,000 na nasasawi bunsod ng COVID-19 kada linggo sa buong mundo bunsod ng malaking puwang sa vaccination rate partikular sa low at middle-income countries.

Facebook Comments