Nasa dalawang bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa.
Sa tulong ng Philippine Genome Center (PGC) at National Institute of Health (NIH) ng University of the Philippines (UP), nakapagtala rin ng 132 Alpha variant cases, 119 Beta variant cases at tatlong Theta variant cases.
Ang dalawang Delta variant cases ay mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) na may travel history sa Saudi Arabia.
Dumating sila sa Pilipinas noong May 29, 2021 at nakumpleto ang 10-day isolation period.
Sa Alpha variant cases, 125 ay local cases, isa ang ROF, at anim ang bineberipika pa.
Pagdating naman sa Beta variant cases, 111 ang local cases, dalawa ang ROFs, at anim ang bineberipika pa.
Sa Theta cases, ito ay mga local cases ay itinuturing nang ‘recovered’.
Paalala ng DOH sa publiko lalo na sa lahat ng fully vaccinated na sundin pa rin ang minimul public health standards para matiyak na nababawasan ang transmission ng COVID-19.