DOH, nakapagtala ng 347 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 347 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Nagresulta ito sa pagbaba ng aktibong kaso o patuloy na nagpapagaling sa sakit sa 6,553.

Sa ngayon, nasa 4,094,569 na ang bilang ng gumaling sa COVID-19 habang nananatili sa 66,484 ang nasawi bunsod nito.


Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 6.4% ang seven-day positivity rate ng bansa dahil sa COVID-19.

Facebook Comments