Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,520 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.
Ito na ang pinakamataas na daily case rate simula September 1 at ika-apat na magkasunod na araw na higit 2,000 kaso ang naitala.
Dahil dito pumalo na sa 3,938,203 ang tinamaan ng sakit kung saan lumobo na sa 35,399 ang aktibong kaso, pinakamataas simula August 20.
Nakapagtala din ang DOH ng 31 bagong nasawi sa COVID-19 dahilan para sumampa na sa 62,790 ang bilang ng nasawi bunsod nito.
Ayon sa DOH, mula sa naitalang bagong kaso kahapon ay 1,600 dito ay mula sa Metro Manila, pinakamataas naman sa loob ng halos walong buwan.
Facebook Comments