Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 4,063 COVID-19 cases sa bansa.
Bunga nito, umaabot na sa 93,354 ang kaso ng COVID sa Pilipinas.
Pero ang active cases ngayon ay nasa 26,153 lamang.
165 naman ang bagong recoveries kaya umaabot na ngayon sa 65,178.
May 40 rin na panibagong binawian ng buhay na COVID patients kaya umaabot na ngayon ang total deaths sa 2,023.
Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tumaas ng 1.26 % ang recoveries sa mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.
Ito ay matapos makapagtala ng panibagong 69 recoveries mula sa Middle East na umaabot na sa 5,531.
Tulad kahapon, walang Pinoy sa abroad na panibagong binawian ng buhay dahil sa COVID-19 kaya nananatili ang total deaths sa 666.
Pumalo naman ngayon sa 9,470 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng nasabing sakit mula sa 71 na mga bansa.
Sa naturang bilang, 3,275 ang active cases matapos madagdagan ng 65 mula sa Asia and the Pacific, Europe at Middle East.