Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,661 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon, pinakamataas na naitala sa loob ng isang linggo.
Dahil dito, pumalo na sa 3,823,084 ang nationwide COVID-19 tally sa Pilipinas.
Pumalo din ang aktibong kaso ng sakit kung saan mula sa 37,962 na naitala noong Huwebes ay umakyat na sa 40,315 kahapon.
Ayon sa DOH, pinakamataas itong naitalang aktibong kaso sa loob ng 135 araw simula March 30 kung saan nasa 40,412 ang aktibo kaso.
Ito rin ang ika-15 araw na nakapagtala ang bansa ng higit 30,000 COVID-19 active cases.
Samantala, nasa 3,721,825 ang kabuuang bilang ng gumaling sa sakit matapos madagdagan ng 2,223 na bagong gumaling kahapon habang nakapagtala din ng 28 bagong nasawi dahil sa COVID-19 dahilan para pumalo sa 60,944 ang kabuuang bilang ng COVID-19 related deaths sa bansa.