
Naitala ng Department of Health (DOH) ang 5,000 bagong kaso ng Human Immunodeficiency Viruses (HIV) sa Pilipinas mula Hulyo hanggang Setyembre.
Ayon kay Secretary Teodoro Herbosa, nakitaan ng pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa, kung saan ang mga bagong kaso ay naitala sa edad 18-anyos pababa.
Pinag-iisipan ng DOH na irekomenda ang deklarasyon ng national public health emergency matapos maitala ang pagtaas ng mga kaso ng HIV sa kabataang Pilipino.
Hanggang noong Hunyo 2025, ang bansa ay mayroong 148,831 kaso ng HIV, at dahil dito, ibinabala ni Herbosa na maaari itong tumaas bago matapos ang taon.
Nagpapaalala muli ang DOH sa publiko na magdoble-ingat at gawin ang mga hakbang upang maiwasan ang pagkahawa sa sakit
Facebook Comments









