DOH, nakapagtala ng 5,000 na bagong COVID cases sa bansa ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health ng 5,000 na bagong kaso ng COVID-19.

281 naman ang bagong gumaling at 72 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na ang COVID cases sa bansa sa 616,611.


Ang aktibong kaso naman ay lalo pang tumaas sa 56,679.

Habang ang total recoveries na ay 547,166 at ang total deaths ay 12,766.

Facebook Comments