DOH, nakapagtala ng 55 bagong kaso ng Delta variant sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 55 bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabuoan, aabot na sa 119 ang Delta variant cases.

Mula sa 55 na bagong kaso, 37 ay ikinokonsiderang local infections, 17 ay returning overseas Filipinos (ROFs) habang isa ay bineberipika kung local o ROF case.


Ayon sa DOH, isa sa mga kaso ay namatay habang 54 na kaso ay ikinonsiderang gumaling.

Mula sa 37 local cases, 14 ay mula sa CALABARZON, walo sa Northern Mindanao, anim sa National Capital Region (NCR), anim sa Central Luzon, dalawa sa Davao Region at isa mula sa Ilocos Region.

Pinayuhan ng DOH ang mga local government units (LGUs) na magpatupad ng granular lockdown at patibayin ang prevent, detect, isolate, treat, at reintegrate (PDITR) stragety.

Samantala, aabot naman sa 1,775 ang kaso ng Alpha (UK) variant sa bansa matapos madagdagan ng 94 na bagong kaso, 2,019 Beta (South Africa) variant cases ang naitala matapos madagdagan ng 179 na bagong kaso, at narekord naman ang 244 Gamma (P.3) variant.

Facebook Comments