Kinumrpirma ng Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) na nakapag-detect sila ng 59 na bagong kaso ng UK variant, 32 bagong kaso ng South African variant at 13 na bagong kaso ng mutations of possible clinical significance o ang E484K at N501Y mutations.
Bukod dito, nakapagtala rin ang DOH, UP-PGC, at UP-NIH ng isang positibong kaso ng P.1 variant o ang Brazilian variant mula sa isang Returning Overseas Filipino (ROF) na nasa Western Visayas.
Ang naturang mga bagong kaso ay kabilang sa ika-sampung batch ng 752 samples na isinailalim sa genome sequencing ng UP-PGC.
Mayorya ng naturang samples ay mula sa National Capital Region (NCR), Calabarzon at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa 59 na bagong UK variant cases, 30 dito ay local cases, 18 ang ROFs, at ang 11 ay hindi pa matukoy kung local o ROF cases.
Bunga nito, umaabot na sa 177 ang total na UK variant cases sa bansa.
16 naman sa local cases ay mula Cordillera Administrative Region, 10 ang mula sa National Capital Region, dalawa mula sa Central Luzon, at dalawa mula sa Calabarzon.
Sa 32 na bagong kaso naman ng South African variant, 21 ang local cases, isa ang ROF, at ang 10 ay patuloy pa bineberipika ang lokasyon.
Habang 19 sa local cases ng South African ang mula sa NCR, isa ang mula sa Cagayan Valley, habang ang isa ay mula sa Northern Mindanao.
Sa kabuuan, 90 na ang total South African variant cases sa bansa.
Sa P.3 variant naman, naka-detect ang UP-PGC ng 85 cases ng unique set ng mutations, kabilang na ang E484K at N501Y mutations.
Sa verification ng Phylogenetic Assignment of Named Global Outbreak Lineages (PANGOLIN), lumalabas na ang samples ng naturang mutations ay na-reassign sa P.3 variant.
Gayunman, ang P.3 ay hindi identified bilang variant of concern.
Kinumpirma naman ng DOH na ang naitalang unang kaso ng P.1 variant o Brazilian variant ay isang Returning Overseas Filipino (ROF) mula sa Brazil.
Pinapayuhan naman ng DOH ang Local Government Units (LGUs) na paigtingin pa ang pagpapatupad ng minimum health standards sa kanilang nasasakupang lugar upang maiwasan ang pagkalat ng iba’t ibang variants.