DOH, nakapagtala ng 665 bagong kaso ngayong araw na pinakamababa makalipas ang 16 na buwan

Nakapagtala na lamang ang Department of Health (DOH) ng 665 panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Batay sa datos ng DOH, ito na ang pinakamababang bagong kaso na naitala makalipas ang labing-anim na buwan.

Dahil dito, umabot na sa 2,832,375 ang kabuuang kaso kung saan 0.6 percent na lamang ang aktibo.


Samantala, pinakamarami pa rin ang mild na may 48.1%, moderate na may 23.82%, severe na may 15.6%, asymptomatic na may 6.0% at kritikal na nasa 6.6%.

Nadagdagan din ng 993 ang mga gumaling para sa kabuuang 2,767,585 recoveries.

Habang sumampa na sa 48,501 ang mga nasawi matapos itong madagdagan ng 141 kahapon.

Tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Facebook Comments