
Siyam na araw bago magpalit ng taon, may mga naitala na agad na mga nasugatan dahil sa mga paputok.
Ayon sa Department of Health (DOH), mula December 21 hanggang ngayong Martes, December 23 ay may pito na silang naitalang firework-related injuries.
Sa bilang na ito, apat sa mga biktima ay edad 19 pababa kung saan pinakamarami sa mga naputukan ay dahil sa Boga at 5-star.
Sa kabila nito, mas mababa ang mga kaso ngayon kumpara noong 2024 kung saan nakapagtala na ng 28 sa kaparehong panahon.
Muli namang nagpaalala ang kagawaran na agad na dalhin sa ospital kung may aksidente dahil sa paputok.
Facebook Comments









