DOH , nakapagtala ng 8,460 kaso ng dengue sa unang dalawang linggo ng Oktubre

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng 8,460 na kaso ng dengue sa unang dalawang linggo ng Oktubre.

Habang 14,131 naman na kaso ng Dengue ang naitala ng DOH sa loob ng dalawang linggo sa nakalipas na buwan, mula September 14 hanggang September 27.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DOH sa publiko na ipagpatuloy ang paglilinis sa kapaligiran.

Partikular ang Taob, Taktak, Tuyo at Takip sa mga naiimbakan ng tubig kapag-umuulan.

Facebook Comments