DOH, nakapagtala ng 889 na panibagong kaso ngayong araw

58

Nakapagtala ng 889 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mas mataas ito kumpara sa 421 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 2,839,790 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 10,418 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 214 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,778,131 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 51,241 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 28 ngayong araw.

Dalawang laboratoryo ang hindi operational noong December 27 at isang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments