DOH, nakapagtala ng mahigit 3,000 COVID cases sa bansa; bilang ng mga Pinoy sa abroad na gumaling sa virus, tumaas

3,226 na panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong araw

Bunga nito,umaabot na ngayon ang COVID cases sa bansa sa 106,330

Sa naturang bilang, 38,405 ang active cases, 46 ang panibagong binawian ng buhay na umaabot na ngayon sa 2,104.


275 naman ang panibagong gumaling sa virus kaya umaabot na ngayon ang total recoveries sa 65,82.

Samantala, nadagdagan ng 81 ang mga Pilipino sa abroad na gumaling sa COVID-19 mula sa Middle East.

28 naman ang mga Pinoy na panibagong tinamaan ng nasabing sakit mula sa Asia and the Pacific, Europe at Middle East.

Sa ngayon, umaabot na sa 9,597 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa ibayong dagat na tinamaan ng COVI-19 mula sa 71 na mga bansa.

Sa naturang bilang, 3,251 ang active case.

Wala namang iniulat ang Department of Foreign Affairs (DFA) na panibagong Pinoy na binawian ng buhay sa COVID sa abroad kaya nananatili ito sa 693.

Facebook Comments