DOH, nakapagtala ng bahagyang pagtaas ng bilang ng mga malubha at kritikal sa mga ospital dahil sa COVID-19

Nakapagtala ng bahagyang pagtaas sa bilang ng mga may malubhang karamdaman sa mga ospital dahil sa COVID-19 ang Department of Health (DOH) nitong nakalipas na linggo.

Sa datos ng DOH, umabot na sa 259 ang mga kritikal mula nitong October 29.

Habang nabawasan naman ang mga nasa ICU na nasa 160, mula sa 173 noong nakalipas na linggo.


Nabawasan din ang mga tinatamaan ng virus mula October 23 hanggang 29 na nasa 1,088.

Gayunpaman, nagpaalala pa rin ang DOH sa publiko na patuloy na mag-ingat dahil mayroon pa ring namamatay sa COVID-19, na nasa labing tatlo mula October 16 hanggang 29.

Facebook Comments