Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng 1,885 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa
Bunga nito, ang total COVID cases na sa bansa ay 467,601.
Ang aktibong kaso naman ay 27,748 o 5.9%
307 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 430,791 o 92.1%
Pito naman ang bagong namatay sa virus kaya ang total deaths na ay 9,062 o 1.94%
Nangunguna muli ang Quezon City sa may pinakamalaking bagong kaso sumunod ang Bulacan, Davao City, Rizal at Leyte.
Facebook Comments