DOH, nakapagtala ng halos 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

65

Umabot sa 1,941 ang naitala ng Department of Health na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Sa nasabing bilang, 234 ang bagong gumaling habang 52 ang bagong binawian ng buhay.


Bunsod nito, umaabot na ngayon ang total ng COVID-19 cases sa bansa sa 535,521.

Ang aktibong kaso naman ay lalo pang tumaas sa 35,946 o 6.7%

Habang ang total recoveries ay nasa 488,465 o 91.2% at ang total deaths ay 11,110 o 2.07%

Facebook Comments