Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng halos 700 na bagong kaso ng Delta at Omicron subvariants sa bansa.
Ayon sa DOH, sa naturang bilang ay natukoy ang 605 na bagong kaso ng BA.5 Omicron subvariant na batay sa pinakahuling resulta ng sequencing mula October 7 hanggang 10.
93 naman ang naitalang bagong kaso ng Delta, habang ang isang kaso ay patuloy na bineberipika pa.
Sinabi rin ng DOH na nadiskure naman ang 18 na bagong kaso ng BA.4 at limang bagong kaso ng BA.2.75.
Samantala, kinumpirma rin ng DOH na mayroong 680 kaso ng iba pang mga sublineage ng Omicron, gayundin ang 171 kaso ng “no assigned lineage” at isang kaso ng “other lineage assigned”.
Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang mga subvariants ng Omicron na mahigpit na binabantayan ay ang BA.5, BA.2.75, BJ.1 at BA.4.6.