You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

DOH, nakapagtala ng halos 8,000 COVID recoveries ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 7,964 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

8,560 naman ang bagong kaso at 92 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,676,156 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay 79,016 habang ang total recoveries ay 1,567,920.

Ang total deaths naman ay umakyat na sa 29,220.

Facebook Comments