DOH, nakapagtala ng halos 900 bagong COVID cases sa bansa; DFA, walang naitalang Pinoy na namatay sa COVID sa abroad

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 886 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bunga nito, ang total cases na ay 471,526 at ang aktibong kaso ay 23,348 o 5.0%.

253 naman ang naka-recover kaya ang total recoveries na ay 439,016 o 93.1%.


38 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 9,162 o 93.1%.

Nangunguna naman ang Davao City sa may pinakamaraming bagong kaso sumunod ang Pampanga, Bulacan, Quezon City at Cavite.

Samantala, sa muling pagkakataon, walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na Pilipino na panibagong binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.

Bunga nito,nananatili ang total deaths sa 911.

28 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong dagat ay 12,875.

Ang aktibong kaso naman ay 3,578 habang 10 ang bagong gumaling.

Ang total recoveries na sa hanay ng overseas Filipinos ay 8,386.

Facebook Comments