DOH, nakapagtala ng halos 900 bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo

Nakapagtala ang DOH ng 895 na bagong kaso ng COVID-19 mula Pebrero 13 hanggang Pebrero 19.

Ang average na bilang ng kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay nasa 128.

Mas mababa ito ng 19 percent kumpara sa mga kaso noong Pebrero 6 hanggang Pebrero 12.


Sa mga bagong kaso, tatlo sa mga ito ang nasa malubha at kritikal na karamdaman.

Apat naman na COVID-19 patients ang binawian ng buhay sa nakalipas na linggo.

Facebook Comments