Umaabot sa 402 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) sa buong bansa ngayong araw.
Dahil dito, nasa 11,255 na ang kabuuang bilang aktibong kaso ng COVID-19.
Mayroon namang naitalang 509 na gumaling at 184 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng naitalang mga kaso sa bansa, pumalo na sa 2,775,057 ang bilang ng gumaling at 50,280 ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, apat na mga laboratoryo ang hindi operational noong December 10, 2021 habang mayroong tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Vase sa datos ang kontribusyon ng pitong laborstoryo na ito ay humigit kumulang 0.5% sa lahat ng samples na nasuri at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal sa nakaraang 14 na araw.