DOH, nakapagtala ng higit 8,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 8,702 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mataas ito kumpara sa 7,661 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,585,461 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 153,335 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 15,290 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,377,958 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 54,168 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 71 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 1 habang may limang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments