DOH, nakapagtala ng higit 9,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 9,493 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mababa ito kumpara sa 14,546 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,569,665 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 176,053 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 24,210 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,339,558 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 54,054 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 51 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 30 habang may sampung laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments