DOH, nakapagtala ng karagdagang 102 COVID deaths matapos ang backlog

45

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 102 na nasawi sa COVID-19 matapos ang ilang araw na technical problem sa COVIDKaya system.

Dahil dito, umakyat ang bilang ng mga nasawi sa 37,596.


Ayon kay DH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, pumalya ang server ng COVIDKaya noong Setyembre 23 hanggang 26 na nagdulot ng delay sa encoding at validation ng mga nasawi.

Aniya, ang downtime ay dahil na rin sa limitadong kapasidad ng kanilang server para tumanggap at magproseso ng mga datos mula sa COVID Document Repository System (CDRS).

Facebook Comments