DOH, nakapagtala ng karagdagang higit 6,000 nakarekober sa COVID-19 sa buong bansa

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng higit 6,000 ng bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa buong bansa.

Sa datos na inilabas ng DOH, nasa 6,912 ang nadagdag sa bilang ng gumaling kung kaya’t pumalo na sa 1,321,050 ang kabuuang bilang nito.

Nasa 6,096 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ay nasa 52,570 na.


Karagdagang 128 naman ang naitalang bilang sa mga pumanaw kaya’t ang total nito ay nasa 24,372 kung saan ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng virus ay nasa 1,397,992.

Ayon pa sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 25, 2021 habang mayroong tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng mga nasabing tatlong laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.81% sa lahat ng samples na nasuri at 0.86% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Facebook Comments