DOH, nakapagtala ng mababang bilang COVID-19 recoveries ngayong araw

Nasa 247 lamang na mga bagong gumaling sa COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong araw.

Dahil dito, umabot na sa 429,419 o 92.8% ang total recoveries sa bansa.

1,314 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID-19 cases ay sumampa na sa 462,815.


Ang aktibong kaso naman ay 24,375 o 5.3%.

66 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na sa bansa ay 9,021 o 1.95%.

Ang maraming bagong kaso naman ay naitala mula sa Quezon City, Rizal, Benguet, Bulacan at Davao.

Samantala, walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na Pilipinong panibagong nagpositibo sa COVID-19 sa abroad.

Bunga nito, nananatili ang total cases sa 12,816.

Ang aktibong kaso naman ay 3,652

Isa naman ang bagong naka-recover sa virus kaya ang total recoveries na ay 8,235.

Isang Pinoy rin ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na sa hanay ng overseas Filipinos ay 929.

Facebook Comments